Sa totoo lang, marami akong pampalipas oras.. computer, Facebook, manga, anime, Sherlock Holmes, The Adventures of Tom Sawyer, at marami pang iba. pero siyempre, isa akong hindi magigibang otaku! Kung hindi niyo alam kung ano ang otaku, isa yung tao na mahilig sa anime at manga. Yun. Tapos, nagbabasa lang ako ng Sherlock Holmes tsaka yung mga nabangit ko, at marami pang iba, DI naman siguro halata sa background ng blog ko. :))
Siyempre, Plants vs. Zombies hindi mawawala, hindi kasi maka-level eh!! Asar! lagi pa nga akong napapagalitan sa sobrang computer ko eh.. Aminado naman akong adik kaya ok lang.. Kaya lang naman lagi akong nagcocomputer kasi lahat ng gusto kong gawin nasa computer lahat. Pati yung mga novel na binabasa ko. Minsan kaka-insulto kasi lagi na lang akong pinapagalitan kasi minsan kailangan ko pang gumising ng maaga para lang mag-computer.. pero ok na naman ngayon.. :))
Favorite pastime ko ring kumain habang nanonood ng Japanese o Korean dramas.. sarap kasi nilang panoorin eh.. hahahahah. Pero medyo mahirap kasi kailngang mag-aral tapos review ( for Philippine Science High School) kaya di na ako makapanood.. :( Pero kaya yan!!! Kailangan ko ring mag-PAUSE, pero hindi pwedeng mag-STOP!!!
Yun lang!! :))
No comments:
Post a Comment